Sa pagtatapos ng programa ni Vice President Leni Robredo na Bayanihan E-Konsulta, nagpaabot ng pasasalamat ang doktor at anak ng outgoing VP na si Tricia sa mga aral na inihatid nito sa kanya bilang isang medical volunteer.

Inanunsyo na kamakailan ng tanggapan ng Pangawalang Pangulo ang pagsasara ng isa sa mga inisyatiba ni Robredo laban sa muling surge ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic noong 2021.

Basahin: Ilang programa ng OVP sa ilalim ng pamumuno ni Robredo, ititigil na simula Hunyo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang telecommunication medical services, sa tulong ng mga volunteer doctors, ay nagbigay ng online consultations sa mga outpatient, gayundin sa mga nahawaan ng Covid-19 ngunit mild lang ang ipinakitang sintomas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nitong Martes, Mayo 31, inalala ni Tricia ang kanyang unang pagsalang bilang isa sa mga volunteer ng programa.

“BEK was one of the first major projects I took on after passing the boards. So this truly feels like the end of an era,” ani Tricia.

Dagdag niya, “[I] wouldn’t be the physician I am today without this experience. Maraming iniyak, maraming natutunan. Salamat sa bulabog at salamat sa paghubog, BEK.”

Taong 2020, nang makapasa sa November 2020 Physician Licensure Examination ang pangalawang anak ni Robredo.

Hulyo naman sa parehong taon nakuha ni Tricia ang kanyang dual degree of Doctor of Medicine (MD) at Master in Business Administration (MBA) mula Ateneo School of Medicine and Public Health.