Iginiit ng kampo ni Senador Leila de Lima na agad repasuhin ang mga kaso laban sa senadora lalo pa't unti-unti nang inaamin ng mga testigo na wala silang kaugnayan dito.
"Regardless of who should be the Department of Justice secretary under this administration, considering the recantations we've had, it appears and it's very evident that these contrived charges are already starting to fall," ayon kay Atty. Dino de Leon, isa sa mga abogado ni De Lima.
Sa testimoniya ng prosecution witness na si Joel Capones nitong Lunes, inamin nito na kailanman ay hindi siya nagkaroon ng transaksyon kay De Lima at ang yumaong drug convict na si Jaybee Sebastian ang kaniyang umano'y naka-transaksyon.
Sa pahayag ng kampo ni De Lima, sinabi ni De Leon na mahalaga ang testimonya ni Capones dahil tanging siya lamang ang tumestigo sa isang open court hearing.
"For us, it's a very crucial factor. If you have a self-confessed drug lord supposedly who has already been convicted for murder before, then obviously we have to take his word with a grain of salt especially considering the fact that he's no longer at the rate of perjury because he's already incarcerated," paliwanag ni De Leon.
"I think he has around 19 years of sentence left. That means there's more incentive for him to lie because he's also under consideration in terms of parole," dagdag pa niya.
Noong nakaraang buwan, binawi ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa ang kaniyang alegasyon laban kay De Lima. Sinabi niya noong 2016 Senate hearing na nagbigay siya ng P8 milyon kay De Lima noong DOJ Secretary pa ito sa pamamagitan ng isang Ronnie Dayan.
Sinundan naman ito ni dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos na binawi ang pahayag nito na nagbigay siya ng P10 million kay Dayan sa bahay ni De lima sa Parañaque at itinuro nito si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na may utak nito, na itinanggi naman ng dating kalihim.Binawi rin ni Dayan ang kaniyang mga testimonya sa korte at sa Mababang Kapulungan nitong Mayo.