Nagpaalam ang ilang mambabatas sa kapwa nila mga mambabatas na natalo, nanalo o kaya ay nagpasiyang tumanggap ng ibang puwesto sa gobyerno.
Sa pamamagitan ng privilege speeches, sinabi ni ACT-CIS party-list Rep. Rowena “Niña” Taduran na nagtapos na ang kanyang termino bilang kinatawan ng nasabing partylist.
“It was a rollercoaster ride, but I can humbly say I made it as a first termer,” ani Taduran.
Tiniyak ni Taduran, isang radio host bago nahalal na kongresista, sa publiko na mananatili siya sa paglilingkod sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng serbisyo para sa kagalingan at kabutihan ng mga tao.
Nagpaalam naman si Sarangani Rep. Rogelio Pacquiao sa mga kasamahan matapos na siya ay manalo bilang gobernador ng Sarangani Province.
“The hard work, sincerity and passion of our House Members will forever serve as inspiration as I move on to the next chapter of my career as a public servant,” ani Pacquiao.
Nagpasalamat din si Rep. John Marvin “Yul Servo” Nieto (3rd District, Manila) na nahalal bilang Vice Mayor ng Maynila.
“Mga kasama, itinuturing ko po na isang malaking pribilehiyo ang makasama kayo sa aking dalawang termino sa Kongreso. Anim na taon na serbisyo para sa bayan, serbisyo para sa Pilipino. Maraming salamat po,” ayon kay Nieto.