Sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero “Popoy” De Vera III na milyun-milyong estudyante sa buong bansa ang nakikinabang ngayon sa Universal Access to Quality Tertiary Education, na tinatawag itong “most long lasting legacy” ng Duterte administration.

“The intergenerational dream of getting an education was put into motion under the Duterte administration with the passage of Republic Act 10391 on August 3, 2017. This landmark legislation is truly, only, and exclusively a “Tatak Duterte” because it was started under the Duterte administration,” ani De Vera sa ikalawang araw ng Duterte Legacy Summit nitong Martes, Mayo 31.

Ang pagpasa ng batas, ayon kay De Vera, ay nagbigay-daan sa mga pampublikong unibersidad, 112 unibersidad at kolehiyo, at humigit-kumulang 100 unibersidad na nilikha ng lokal na pamahalaan na maglunsad ng mga programang pang-edukasyon noong 2018, na nagpapahintulot sa mga kabataang Pilipino na makamit ang "dekalidad na edukasyon."

Para patunayan pa ang kanyang punto, sinabi ni De Vera na 1.19 milyong estudyante sa mahigit 200 pampublikong unibersidad sa buong Pilipinas ang tumigil sa pagbabayad ng tuition at miscellaneous fee noong 2019. Ang batas, ayon kay De Vera, ay nagbigay-daan din sa pagpasa ng Tertiary Education Subsidy (TES) at ang institusyonalisasyon ng programang “Tulong Dunong”.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

“Ito po ay dagdag ayuda para ang ating mga estudyanteng nangangailangan ng tulong dahil sa kahirapan o dahil malayo ang kanilang pinagaaralan para sa kanilang pang araw araw na pangangailangan,” ani De Vera.

Ang CHED ay mayroong hindi bababa sa 275,000 grantees noong 2019, ngunit hanggang ngayon, mayroon na ngayong mahigit 1.97 milyong estudyante sa 220 unibersidad sa Pilipinas na hindi na nagbabayad ng tuition at miscellaneous fees.

Inulit din ni De Vera na ang TES ay isang anti-poverty program, na naglalayong magbigay ng tulong sa mga mahihirap na estudyante.

Lumabas sa datos ng CHED na para sa SY 2021-2022, karamihan sa mga TES grantees ay mula sa Region 12 na may hindi bababa sa 43,360 grantees. Ang Metro Manila naman ang may pinakamaliit na may 11,138 benepisyaryo.

“It is in the regions where poverty is most prevalent that TES beneficiaries are most numerous. The smallest number of beneficiaries are actually coming from the National Capital Region (NCR). There is a direct correlation between poverty incidents and the granting of TES,” dagdag niya.

Charlie Mae F. Abarca