Nabuwag ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) Drug Enforcement Unit, District Intel Division at District Mobile Force Battalion ang isang drug den na ikinaaresto ng limang suspek kabilang ang maintainer at nakumpiska ang ₱285,600 halaga ng umano'y shabu at mga baril sa Taguig City nitong Martes, Mayo 31.

Kinilala ni SPD Director Brigadier General Jimili Macaraeg ang naarestong suspek at maintainer ng drug den na si Christopher Estillore Oroyan, 47, contractor habang kasamang inaresto ang mga users o gumagamit ng ilegal na droga na sina Mark Jacinto Mamonon, 46, land lord; Ronaldo Ocampo Marcelino, 55, kapwa residente ng Taguig City; Domingo Tabamo Mata,49, construction worker at Felizarda Amarillo Imson, 49, nakatira sa bayan ng Pateros. 

Ayon sa police report, ikinasa ang joint opedation ng mga awtoridad na ikinadiskubre ng naturang drug den at ikinaaresto ng limang suspek sa No. 79 Extension, C6 Service Road, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, dakong 12:45 ng madaling araw ng Martes. 

Narekober sa mga suspek ang 42 gramo ng 'shabu', marked money, Colt caliber .45 Colt SN 414829, Punisher caliber .45 SN1294967, Pietro Beretta Caliber .22 SN107024, tatlong magazines, mga bala ng nabanggit na mga baril, sling bag, eyeglasses case, at coin purse. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pansamantalang nakapiit sa SPD Custodial Facility ang limang suspek at inihahanda na ang pagsasampa sa kanila ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive of Firearm and Ammunitions Regulatory Act.

“The latest accomplishment of District Drug Enforcement Unit and District Intelligence Division is truly commendable and deserve recognition, ang mga lugar na ito ay ang siyang dapat na ating maging prayoridad sa ating kampanya kontra illegal na droga, gusto kong pasalamatan ang mga taong nagbigay ng impormasyon upang matagumpay na mahuli ng kapulisan ang mga taong nasa likod nito, tunay ngang mahusay at magiging matagumpay kung maayos ang ugnayan at pagtutulungan ng pulis at komunidad,” pahayag ni BGen Macaraeg.