LAGUNA -- Patay ang isang lalaki matapos paluin ng kahoy at bote sa ulo noong Linggo, Mayo 29, sa Brgy. San Gregorio, San Pablo City. Inaresto naman ang magkapatid na suspek nitong Lunes, Mayo 30.

Kinikilala ng pulisya ang magkapatid na suspek na sina Maximino Oribiada, 34, residente ng Brgy. Gregorio at nakababata nitong kapatid na si Ryan Oribiada, 25, residente ng Brgy. Sinipian, Nagcarlan, Laguna. 

Isinagawa ng San Pablo City PNP at SWAT- San Pablo City ang follow-up operation para arestuhin ang magkapatid sa kanilang bahay dakong 7:25 ng gabi.

Sa ulat ng San Pablo City PNP ang insidente ay naganap dakong alas-4 ng hapon noong Linggo sa Railroad, Brgy. San Gregorio na ang biktimang si Diolando Banayad ay pinakisuyuang tumulong magluto para sa birthday party sa tahanan ng suspek na si Maximino.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Matapos tumulong biktima ay nagpaalam ito na uuwi na at sa hindi pa mabatid na dahilan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan na naging dahilan upang dumampot ng kahoy si Maximino at pinalo sa ulo ng biktima.

Tinulungan ni Ryan ang kapatid at kumuha ito ng bote ng beer at hinampas din sa ulo ng nasawi.

Nasaksihan ito ng kapatid ng biktima na si Beverly Banayad Constantino na positibong nagturo sa magkapatid matapos maaresto.

Base sa medical results, head injuries ang ikinamatay ng biktima.

Nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang San Pablo City PNP upang tukuyin ang pinagmulan ng sigalot ng biktima at ng mga suspek na nauwi sa pagpatay. Inihahanda rin ang kasong murder laban sa huli.