Tila may panawagan si dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa susunod na magiging bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos. 

"I hope the first official act of new DENR Secretary is to not spend on Dolomite maintenance. Di naman puede lumangoy don" sabi ni Baguilat nitong Martes, Mayo 31.

Nangyari ang pahayag na ito nang inanunsyo ni DENR acting Secretary Jim Sampulna na magbubukas muli ang Manila Bay Dolomite Beach sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

"Spend na lang on mangrove refo[reforestation], coral reef rehab[rehabilitation], coastal cleanup, forest protection," dagdag pa ni Baguilat.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1531463139144871936

Sa hiwalay na tweet, sinabi ni Baguilat na kung kailangan ng lugar para sa mental health ay huwag daw sa dolomite.

"I mean kung naghahanap ka ng good mental health, mag nature hike. Wag sa Dolomite. Mababaliw ka lang kung malaman mo magkano nagastos ng tax mo sa pagbuhos ng buhangin na inanod din. Pak!" patutsada niya.

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1531464608178810880

Naging kontrobersyal ang dolomite beach noong 2020 dahil umabot sa mahigit P389 million ang halaga ng proyekto ito ng DENR.

Nagpahayag ng saloobin sa social media ang publiko dahil sa paggastos ng malaking halaga sa gitna ng pandemya.

Samantala, wala pang inaanunsyo ang kampo ni Marcos kung sino ang papalit kay Sampulna.