BAGUIO CITY - Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) - Cordillera na 164,841 displaced workers ang nakinabang na sa Employment Assistance sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers(TUPAD) program, mula sa pondong mahigit sa₱1 bilyon para sa rehiyon ng Cordillera.
Nathaniel Lacambra, regional director ng DoLE, noong 2021 accomplishment, may kabuuang₱847,621,554.73 na pondo ang na-download sa ahensya at ang halagang₱840,248,640.72 na pondo ay naibigay sa 141,709 na benepisyaryo ng TUPAD program ng gobyerno.
Sa pondong ibinigay, ang Mountain Province ang may pinakamalaking bilang ng mga benepisyaryo na 35,307 na may kabuuang naibigay na₱242,021,600, sinundan ng Abra-₱157,367,196.24 na may 26,472 na benepisyaryo; Benguet-P134,443,709.95 na may 24,302 benepisyaryo; Apayao-₱74,092,173.63 na may 16,746 manggagawa; Ifugao-₱111,233 na may 16,407 manggagawa; Baguio City-₱72,548,484.85 na may 13,238 manggagawa at Kalinga-₱48,542,062.51 na may 9,237 manggagawa.
Noong 2022, may kabuuang P309,141,090 na pondo ang na-download sa ahensya para sa pagpapatuloy ng programa at unang naipamahagi ang halagang P117,557,870.00 sa 23,132 manggagawa sa rehiyon.
Ipinakita ng datos noong Mayo 25,2022, ang lalawigan ng Benguet ang may pinakamalaking disbursement na₱80,827,250 na may 15,429 na benepisyaryo, sinundan ng Baguio City-₱10,500,000.00 na may 2,000 manggagawa; Apayao-₱9,891,000 na may 1,884 na manggagawa; Abra-₱8,483,220 na may 1,661 manggagawa; Kalinga-₱3,126,590 na may 823 manggagawa; Ifugao-₱2,732,310 na may 770 manggagawa at Mt.Province-₱1,997,500 na may 565 manggagawa.
Sa ngayon ay nasa kabuuang₱1,156,762,644.73 bilyon ang nai-download sa ahensya at₱957,806,510.72 milyon ang naipamahagi sa 164,841 na benepisyaryo.
Ayon kay Lacambra, ang programa ay tulong ng gobyerno sa mga displaced workers bilang emergency employment na nawalan ng trabaho
sanhi ng pandemya sa pamamagitan ng mga proyekto ng komunidad at mga pana-panahong manggagawa sa loob ng minimum na 10 araw at hindi lalampas sa maximum na 30 araw.
Ipinaliwanag niya na may mga guidelines na sinusunod sa pagtukoy ng mga benepisyaryo para sa programa at hindi kwalipikado para dito ay angbarangay officials, barangay health workers, Tanods, 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) members at senior citizens na may benepisyo mula sa ibang ahensya ng gobyerno.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang programa hanggang sa maabot ang pondo bago palitan ng bagong administrasyon