Ang Philippine Red Cross (PRC) Misamis Oriental-Cagayan De Oro Chapter, kasama ang pamahalaang lungsod ng Cagayan de Oro, ay nakapagbigay na ng 45,888 doses ng Covid-19 vaccines at boosters mula noong 2021.

Sa pamamagitan ng PRC Bakuna Teams, ganap na nabakunahan ng organisasyon ang hindi bababa sa 4,161 katao mula Pebrero hanggang Mayo 29.

“When the world no longer watches, we do what must be done. Mananatiling nandito ang Philippine Red Cross, handang umaksyon anuman ang magiging sitwasyon ng bansa laban sa Covid-19,” ani PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard J. Gordon sa isang pahayag nitong Lunes.

Ang PRC Bakuna Teams na naka-deploy sa SM Downtown Quantum ay sumusuporta din sa isang Bakuna Center sa Cagayan de Oro City.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Dahil nasa ilalim ng Covid-19 alert level one, lahat ng interzonal at intrazonal na paglalakbay at mga aktibidad sa labas ay pinapayagan sa lungsod ngunit napapailalim sa mga alituntunin ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa iba pang lugar ng pagbabakuna ng PRC sa Mindanao ang Tawi-Tawi, Cotabato City-Maguindanao, Sulu, Davao del Sur, Surigao del Norte, Sultan Kudarat, Marawi City, at Zamboanga City.

Ang pagbabakuna ay bahagi ng tugon ng PRC sa Covid-19 sa Pilipinas.

Noong Mayo 29, ang PRC ay nakapagbigay na ng 1,185,628 na dosis ng mga bakuna sa Covid-19 at boosters sa buong bansa, na may hindi bababa sa 372,780 katao na ganap na nabakunahan.

Luisa Cabato

Luisa Cabato