Inanusyo ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na nakapagtala sila ng mas mababang kaso ng dengue cases sa bansa sa unang limang buwan ng 2022.
Sa datos ng Epidemiology Bureau ng DOH, mula Enero 1 hanggang Mayo 7, bumaba ng 6% ang naitala nilang dengue cases, na mula 27,010 noong nakaraang taon ay naging 25,268 na lamang ngayong taon.
Ayon sa ahensya, ang weekly dengue case counts ngayong 2022 ay mas mababa rin, maliban na lamang noong mula Marso 20 hanggang Abril 30, na kilala bilang Morbidity Weeks 12 to 17, na may 11,435 dengue cases na naitala, na 94% na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2021 na nasa 5,901 lamang.
Sa nakaraang morbidity weeks, nakitaan ng DOH ng pagtaas ng kaso ng dengue saRegions II, VII, VIII, IX, X,XI, Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), at Cordillera Administrative Region (CAR).
“Cumulatively, most dengue cases were reported from Region VII at 13% (3,198 cases), Region III at 12% (3,087 cases), and Region IX at 10% (2,522). In the most recent reported period, from April 10 to May 7, 2022 where 6,622 cases were reported, most of the cases were also from the same regions with Region IX making up 14% (908 cases), Region VII at 13% (881 cases), and Region III at 9% (593),” pahayag ng DOH.
Nanawagan din ang ahensya na sundin ang '4S' campaign against dengue o ang tinatawag na,‘Search and destroy breeding places, Secure self-protection, Seek early consultation, at Support fogging/spraying in hotspot areas,' lalo na ngayong tag-ulan upang hindi na lumobo pa ang kaso nito.