Binati ni outgoing Vice President Leni Robredo si Vice President-elect Sara Duterte sa proklamasyon nito bilang ika-15 Pangalawang Pangulo ng bansa. Handa na rin siya para sa transition.
"Warmest congratulations on your proclamation as the 15th Vice President of the Republic of the Philippines," ani Robredo.
Sumulat si Robredo kay Duterte bilang tugon sa kahilingan nito na pakikipagkulong sa kani-kanilang team para sa transition sa Office of the Vice President.
"We respectfully acknowledge receipt of your letter dated 27 May 2022 requesting an initial meeting between our respective teams," dagdag pa niya.
Handa na rin ang outgoing vice president kung sakaling may katanungan ang bagong bise presidente.
"Please be advised that we are ready to meet to answer any questions you may have regarding the Office of the Vice President and to take all necessary steps to ensure a smooth transition."
Kababalik lang ni Robredo mula sa Estados Unidos matapos ang dalawang linggong bakasyon doon. Ito raw ang kaniyang pinakamahabang bakasyon sa loob ng 10 taon.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/robredo-handa-na-ulit-magtrabaho-mga-napansin-sa-us-pangarap-niya-para-sa-pinas/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/29/robredo-handa-na-ulit-magtrabaho-mga-napansin-sa-us-pangarap-niya-para-sa-pinas/
Nakatakdang matapos ang kaniyang termino sa Hunyo 30. Ilulunsad naman kinabukasan ang Angat Buhay NGO, Hulyo 1.