Trending topic sa Twitter kamakailan ang isang internet service provider dahil na rin sa ilang mga reklamo ng mga consumers. Mas naging usap-usapan pa ito nang magreklamo ang ilan sa mga celebrities na sina Pokwang at Alex Gonzaga.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/26/matapos-ni-pokwang-alex-gonzaga-kinalampag-din-ang-isp-mga-netizen-napa-react/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/26/matapos-ni-pokwang-alex-gonzaga-kinalampag-din-ang-isp-mga-netizen-napa-react/

Para sa showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz, maganda naman ang kanilang internet connection sa bahay. Patutsada pa niya, hindi raw niya ide-delete ang kaniyang tweet tungkol dito.

"So far maganda naman ang connection ng @PLDTHome @PLDT_Cares @pldt dito sa amin," sey niya nitong Linggo, Mayo 29.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

"Since maganda, hindi ko idi-delete itong tweet ko," dagdag pa niya.

Tumugon naman ang ISP sa kaniya, "We're glad to know that you are satisfied with our service. We really appreciate it @ogiediaz. If you have other PLDT related concerns, please don't hesitate to send us a DM and we will be glad to assist you. Thank you."

https://twitter.com/PLDT_Cares/status/1530633113759776769

Kamakailan, naging kontrobersyal ang pagde-delete ni Alex Gonzaga ng kaniyang tweet tungkol sa reklamo niya sa kaniyang internet connection dahil naaksyunan na ng ISP ang nasabing problema.

“PLDT please fix my internet sa condo. I’ve been paying for 4 months na wala ako internet. Grabe kayo mag-remind to pay monthly pero lagi padelay kayo para ayusin. Pls pls fix kasi ayaw n’yo kami pansinin privately. @PLDT_Cares.” deleted tweet ng aktres.

Kaya naman binanatan siya ng mga netizens dahil sa pagde-delete niya ng tweet.

Sa isang deleted tweet, tinanong siya ng isang netizens kung bakit niya dinelete yung tweet niya na nagrereklamo sa ISP.

Sagot ni Alex, “Kasi ayos na.”

Nireplayan ito ng isang netizen, “Kahit ayos na, ‘di dapat delete… kasi, parang yung history lang yan na pilit ni re-rewrite dahil lang mukhang ayos na… binubura ang history at pinapalitan ng something na mukhang maayos.”

“Eto piso hanap ka kausap mo,” pagbibiro umano ng aktres.

Gayunman, hindi umano nagustuhan ng mga netizens ang sagot niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/28/alex-gonzaga-dinelete-ang-reklamo-sa-isang-isp-binanatan-ulit-ng-mga-netizen/