Kamakailan lamang ay kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ng kura paroko ng Quasi-Parish of Our Lady of La Salette sa Muzon, San Jose del Monte, Bulacan na si Rev. Fr. Joseph Fidel Roura matapos nitong amining nadistract at na-starstruck siya kay Phenomenal Star Maine Mendoza, nang makita niya ito sa personal sa kasal ng kapatid nitong si Coleen.

Ayon kay Rev. Fr. Roura, sa dami ng mga ikinasal niyang magsing-irog, ngayon na lamang siya nadistract sa maid of honor. Pinuri ng pari ang taglay na appeal ni Maine na nakilala bilang 'Dubsmash Queen' sa social media, na naging tulay upang makilala siya bilang 'Yaya Dub' sa noontime show na 'Eat Bulaga', and 'ika nga ay 'the rest is history' sa kaniyang showbiz career.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/28/paring-social-media-influencer-nadistract-sa-appeal-ni-maine-mendoza/">https://balita.net.ph/2022/05/28/paring-social-media-influencer-nadistract-sa-appeal-ni-maine-mendoza/

"Napakarami ko nang ikinasal pero ngayon lang ako nadistract sa maid of honor. Iba din kasi talaga ang appeal ni Maine Mendoza," ayon sa kaniyang Facebook post noong Mayo 27.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

'Yong pwede namang 'di na tawagin ang best man at maid of honor dahil nasa harap ko na 'yong arrhae and rings pero tinawag ko pa rin haha. Para-paraan lang 'yan," hirit pa ng pari.

Sa Instagram post ng kapatid ni Maine na si Coleen, pinasalamatan nito si Fr. Roura.

"We can’t thank enough our officiating priest, Rev. Fr. Joseph Fidel Roura, for a solemn and tagos-sa-puso ceremony… for honoring our parents and our principal sponsors. It was a heartfelt homily like no other. First sentence palang, umiiyak na ako sa harap ng altar. Thank you for calming me and my husband.. Napakasarap sa pakiramdam, comforting and reassuring," pahayag ni Coleen sa kaniyang Instagram post noong Mayo 25.

Si Rev. Fr. Roura ay ginawaran ng parangal bilang 'Male Social Media Influencer of the Year' ng 2020 Catholic Social Media Awards (CSMA), sa pamamagitan ng virtual ceremony noong Abril 15.

“Naging posible po ang award na ito dahil po sa inyong walang sawang suporta. Salamat Panginoon! Salamat po sa inyo! Tagumpay po natin ito pare-pareho!” pahayag ng Fr. Roura sa kaniyang Facebook page.

Anyway, marami ang tumutukso ngayon sa mag-jowang Maine at Arjo kung kailan naman maririnig ang wedding bells para sa kanila. Matagal-tagal na rin naman ang relasyon ng dalawa. Kahit na magkaiba ang network na kanilang pinaglilingkuran ay may panahon pa rin naman sila sa isa't isa.

Ngunit may ilan din namang netizen na nagsabing baka hindi ngayong taon magpakasal ang mag-jowa dahil sa pamahiin ng sukob.

Isa sa mga pamahiin o matandang paniniwala ng mga Pilipino na hindi maaaring magpakasal ang magkapatid ng magkaparehong taon dahil maaaring malasin ang pagsasama nila.

Ngunit sabi naman ng ilan, 2022 na ngayon at baka hindi naman 'yan ang paniniwala ng mag-jowa, kaya abang-abang na lang daw sa exciting part.