Iniimbestigahanna ang mahigit sa 1,000 na reklamong may kaugnayan umano sa pagbili ng boto sa nakaraang May 9 national, local elections.

Ito ang isinapubliko ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia sa isang television interview nitong Lunes, at sinabing nakapagpalabas na sila ng subpoena upangmakapagpaliwanagang mga isinasangkot sa insidente.

Nilinaw ni Garcia, maglalabas din sila ng resolusyon bilang tugon sa isinampang disqualification case laban sa mga kandidato para sa kahalintulad na kaso at hinihintay na lamang ang paliwanag ng mga ito.

“In the case of vote-buying, we have almost 1,000 cases being investigated and we have several subpoenas issued, requiring the respondents to explain.In the case of disqualification cases involving practically the same fraud and irregularities, the cases are now submitted for resolution after therespondents requiredto file their answer,” paniniyak ni Garcia.

Nilinaw naman ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na umabot na sa 1,100 vote-buying complaints ang kanilang natanggap, kabilang na ang 940 na idinaan sa Kontra Bigay Facebook page habang ang 171 ay nanggaling sa Kontra Bigay official email.