Hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Navotas City ang mga kwalipikadong magkasintahan na makilahok sa Kasalang Bayan 2022 sa darating na Hunyo.

Sa isang Facebook post, Linggo, inanunsyo ng Navotas City Public Information Office ang nakatakdang “exciting part” sa Hunyo 24.

“Sa mga Navoteño na 25 taong gulang pataas, nagsasama ng 5 taon pataas, may mga anak, at handa ng mag-“I Do,” sumali sa ating Kasalang Bayan ngayong 24 June 2022,” mababasa sa Facebook post.

Limitado pa rin sa 50 magkasintahan ang aakomodahin bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na banta ng COVID-19.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, ang mga kwalipikadong partners ay inaanyayahan na mag-apply sa Local Civil Registrars Office sa ikalawang palapag ng Navotas City Hall, Lunes hanggang Biyernes, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

Navotas City Public Information Office/Facebook

Ang sumusunod ang mga kinakailangang dokumento para makasama sa 50 slots:

1. Certificate of No Marriage (cenomar) ng magkasintahan

2. Birth certificate ng magkasintahan

3. Birth certificate ng kanilang mga anak na edad 5 taon pataas

4. Cedula at 2x2 ID picture ng magkasintahan

Para sa dagdag na katanungan, hinihikayat na magtungo lamang sa parehong Local Registrar’s Office ng lungsod.