ISABELA - Dinakma ng pulisya ang isang incumbent barangay chairman at dalawang anak na lalaki matapos mahulihan ng mga baril at granada sa kanilang bahay saBarangay Buyon, Cauayan City nitong Sabado.

Nakapiit na si Jessie Eder Sr., 61, at dalawang anak--isang 33-anyos at isang 39 taong gulang, pawang taga-Barangay Buyon.

Sa imbestigasyon, ang mag-aama ay inaresto ng mga tauhan ngCauayan City Police, Provincial Intelligence Unit-Isabela Police Provincial Office (IPPO), Provincial Intelligence and Detective Management Unit, 2nd Provincial Mobile Force Company, atRegional Intelligence Unit 2 sa Purok 4 sa bisa ng search warrant na inilabas niJudge Reymundo Aumentado, Executive Judge ng Cauayan City Regional Trial Court Branch 20 sa kasong paglabag saRepublic Act 10591 at Republic Act 9516.

Kabilang sa mga nakumpiska ang tatlong Cal. 45; 4 na magazine ng Cal. 45; isang improvised caliber 22; isang 12 gauge shotgun; dalawang improvised shotgun; isang Cal. 38 revolver; 35 na bala ng M14 rifle at isang granada.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung ginamit sa krimen ang mga nabanggit na baril.