Tinanggap ng broadcaster na si Erwin Tulfo ang nominasyon bilang susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng administrasyong Marcos.

"Una sa lahat salamat sa Diyos. Maraming salamat kay President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa tiwala," sabi ni Tulfo nitong Lunes, Mayo 30.

"Alam ko na maraming trabaho ang naghihintay sa DSWD. Ang tanging maipapangako ko lamang ay sisikapin ko na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang mahihirap at nangangailangan," dagdag pa niya.

Inanunsyo nitong Lunes ng hapon ni incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang iba pang mga susunod na miyembro ng gabinete ng administrasyong Marcos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito'y sina Naida Angping para sa Presidential Management Staff; Amenah Pangandaman, Department of Budget and Management; at Atty. John Ivan Enrile Uy, Department of Information and Communications Technology.

Samantala, napili rin si Liloan Mayor Christina Frasco, spokesperson ni Vice President-elect Sara Duterte, bilang kalihim ng Department of Tourism.