Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,317 bagong kaso ng Covid-19 mula Mayo 23 hanggang 29, na mayroong average daily rate na 188 na mas mataas ng 8.8 porsiyento kumpara sa mga naitalang kaso mula Mayo 16 hanggang 22.
Mula Mayo 16 hanggang 22, nakapagtala ang ahensya ng kabuuang 1,214 na kaso ng Covid-19.
Sa 1,317 na kaso ng Covid-19, 12 ang naiuri bilang malubha at kritikal na mga kaso.
Ayon sa DOH, walang namatay dahil sa Covid-19 nitong nakaraang linggo.
Noong Mayo 29, sinabi ng health department na 679 na mga pasyente ng Covid-19 na may malala at kritikal na kaso ang na-admit sa mga ospital.
Samantala, sinabi ng DOH na nasa 16.8 percent (459 beds) ang utilization rate ng intensive care unit (ICU) beds para sa mga pasyente ng Covid-19.
Para sa mga non-Covid bed, hindi bababa sa 17.2 porsyento ng mga ito ang na-occupy na.
Jel Santos