Matapos talunin ang Miami Heat sa best-of-seven ng kanilang Eastern Conference finals, 4-3, haharapin naman ngayon Boston Celtics ang Golden State Warriors (GSW) sa NBA Finals.

Magsisimulaang laban ng dalawang koponan sa championship seriessa San Francisco Huwebes.

Hindi na pinaporma ng Celtics ang Heat sa kanilang Game 7 kaya bumawi sila sa pagkatalo ng tatlong beses sa conference finals sa nakaraang limang season.

“To get over the hump with this group, it means everything. Not a lot of people believed in us, but it worked out," pahayag ng 24-anyos na power forward ng Celtics na si Jason Tatum, ilang minuto matapos ang nasabing tagumpay.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kumamada si Tatum ng26 puntos, 10 rebounds at anim na assists at napili rin bilang Most Valuable Player ng Eastern Conference finals.

Solido rin ang performance ng mga teammates nito na sina Marcus Smart at Jaylen Brown, kapwa naka-24 puntos. Nakakuha naman ng 35 puntos si Jimmy Butler ng Heat.

Laking tuwa naman ni veteran center Al Horford dahil naabot nito ang unang NBA Finals sa edad na 35 at sa koponan pa ito ng Celtics.

“This group is special. I’m happy to be sharing this moment with these guys," dugtong pa ni Horford.

Ito pa lang ang unang pagsabak ng Celtics sa NBA Finals mula nang matalosila ng Los Angeles Lakers noong 2010.

Hindi pa rin nananalo ng korona sa NBA ang Celtics mula 2008.

Agence-France-Presse