Hiyang-hiya ang Kapamilya actress na si Alora Sasam kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kilala rin bilang 'KathNiel', dahil sa mga bagay na hindi umano inaasahan.

Hindi naman dinetalyeng aktres kung ano yung kinahihiya niya sa dalawa. Nagpasalamat din siya sa mag-jowa dahil first time niya sa Thailand and of course, kasama pa niya ang sikat na loveteam.

"Daghang salamat kaayo sa Thailand experience. First time ko sa Thailand at di ko akalain si Mami ang makakasama ko at lalo naman ang Kathniel," sey ni Alora sa kaniyang Instagram post noong May 28.

"Pasensya na sa storbo sa trip niyo. May mga bagay na di natin inaasahan. Hiyang-hiya ako pero sana nakabawi ako sa mga photos niyo. Ok lang kung ayaw niyo muna akong makita," dagdag pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nag-celebrate kasi ng 10th anniversary ang KathNiel sa Thailand. Nauna na roon si Kathryn at Alora at sumunod na lamang si Daniel pagkatapos maglaro sa Star Magic 30th All Star Games.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/27/kathryn-bernardo-naniniwalang-may-true-love-may-mensahe-sa-nobyong-si-daniel-padilla/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/27/kathryn-bernardo-naniniwalang-may-true-love-may-mensahe-sa-nobyong-si-daniel-padilla/

Shinare rin ni Alora ang experience nila sa Thailand maging ang mga positibongkomento ng isang nagngangalang 'Beer', marahil siya ang tour guide, tungkol sa KathNiel.

"Hindi raw makapaniwala si Beer na superstars kayo sa Pinas. Napaka-normal niyo daw. Sabi ko yes, very down to earth. Hindi siya makapaniwala na ang mga pasahero niya ay napakasikat na loveteam sa Pinas pero nakikipagbiruan sa kanya. Gulat siya na bigla kayong bibili ng pagkain o buko juice sa gilid ng kalsada," sey niya.

"Gulat siya na bigla kayong bibili ng pagkain o buko juice sa gilid ng kalsada. Bumilib siya dahil isinabay siya kumain sa hapagkainan at may pa take-out pa damay ang jowa niya. Na amaze siya gaano niyo pinahahalagahan ang elephants. Dagdag ko nga dapat mabilis lang ang kilos pagkuha ng pics kasi ayaw ni DJ na mahirapan ang elephants. Na ang sarap pakinggan ng mga kwento at paglalahad niyo ng pagmamahal sa kalikasan," kuwento pa ni Alora.

"For sure nagulat nanaman yun si Beer dahil paghatid niya sa atin sa airport, walang pagdadalawang-isip na niyakap niyo siya. Proud akong tayo ang first Filipino clients niya at maganda ang unang opinyon niya sa atin mga Pinoy. Pero mas proud ako na may mabuting pagkatao ang napili kong mga kaibigan. Uulitin ko, mahal ko kayong dalawa. Happy 10th."

Biro rin ni Alora sa dulo, "Nagmamahal, Alorskieee (ang pinapauwing third wheel. sorry na)"

Pinauuwi kasi umano siya ng mga netizens dahil "istorbo" raw siya sa bonding ng KathNiel sa Thailand.

Sa hiwalay na Instagram post, nag-aadjust daw siya para sa anniversary ng KathNiel sa Thailand. Sinabi rin niya na uuwi na talaga siya kapag flight na niya.

"Eto na nga po opo na elbow na tayo ni DJ. Tayo kasama papunta. Ang nataTANGI naman talaga ang kasama pauwi. Marunong po tayo lumugar opo," sey niya.

"Of course adjust adjust din sa anniversary ng lovers. Wag niyo ako pauwiin dahil uuwi talaga ako kapag flight ko na. Hirap maging gulong slash 3rd wheel. Ano sila lang xoxo dyan tapos ako taga langhap ng hangin?," dagdag pa niya.