Binanatan ng TV host at actress na si Alex Gonzaga ang tweet ng isang netizen tungkol sa kaniyang naranasang miscarriage noong nakaraang taon.
"Aww nalaglag," ayon sa deleted tweet ng isang netizen na may kasama larawan ni Alex Gonzaga na umiiyak.
Gayunman, hindi ito pinalampas ng aktres.
"Ah eh.. Marunong kasi kami tumanggap at magmove on mag-asawa kaya nga nashare na rin sa public para makahelp din sa iba. But gets kung san mo tingin “mahuhurt” ako suportahan taka," sey niya.
"At masarap ang gumawa ng gumawa kaya teka gagawa ulit kami wait," dagdag pa niya.
Ibinahagi rin niya ang screenshot ng nasabing tweet sa kaniyang Facebook page.
"Happy sunday netizens! Gawa lang ng gawa ang mahalaga natanggap at marunong magmove on. Pracitice makes perfect diba," ani Alex sa caption.
Matatandaan na noong Oktubre 17, 2021 ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post ang tungkol sa maselan niyang pagbubuntis.
Inamin ni Alex na totoong napag-alaman nilang nagdadalantao siya. Ngunit hindi ito naging madali dahil naging maselan ito dahil sa anembryonic pregnancy.
“Hi. 2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum). Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course. So we had to wait for a while for the pregnancy to finally end before we could tell our story,” aniya.
“The waiting and praying tested our faith and there was a lot of crying. Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday, the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy. We share our story to give hope that in the midst of this pain and loss the Lord will always sustain you.”
Basahin:https://balita.net.ph/2021/10/17/alex-gonzaga-binasag-na-ang-katahimikan-hinggil-sa-pagbubuntis/
Ibinahagi rin niya sa kaniyang vlog noong Oktubre 24 ang pregnancy journey niya.