Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng panibagong 200 na kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa nitong Mayo 29.

Dahil dito, umabot na sa 2,434 ang bagong aktibong kaso ng sakit sa Pilipinas.

Sa datos ng DOH, 82 sa naturang bagong nahawaan ay naitala sa Metro Manila.

Sa pagkakadagdag ng nahawaan, lumobo na sa 3,690,254 ang kabuuang kaso ng sakit sa Pilipinas.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Napako naman sa 60,455 ang bilang nasawi sa Covid-19 at ang kabuuan ng nakarekober sa virus ay umakyat na sa 3,627,365 sa Pilipinas.

Matatandaang unang naitala ang kaso sa isang babaeng Intsik na dumating sa bansa mula sa Wuhan, China noong Enero 30, 2020.

Pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan ang sakit na agad na lumaganap sa buong mundo.