Inaasahang tataas pa ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa susunod na lotto draw nito sa Lunes, Mayo 30.

Ito’y matapos na walang pinalad na makapag-uwi sa mahigit₱136 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Sa paabiso ng PCSO nitong Linggo, nabatid na walang nakahula sa six-digit winning combination ng Grand Lotto 6/55 na 02-03-41-15-33-46 na may katumbas sanang jackpot prize na₱136,876,472.80.

Mayroon namang tatlong bettor na nagwagi ng second prize na tig-₱100,000 matapos namakahulang limang tamangnumerohabang 562 naman ang nanalo ng tig-₱1,500 matapos namakahulang tig-apat na tamangnumero.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nasa 15,271 naman ang nanalo ng tig-P60 o palit-taya matapos na makahula ng tig-tatlong tamang numero.

Samantala, wala ring pinalad na makahula sa six-digit winning combination ng Regular Lotto 6/42 na 09-17-23-11-13-30 kaya’t hindi rin naiuwi ang katumbas nitong jackpot prize na₱39,311,022.60.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Lotto 6/42 naman ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Kaugnay nito, muli namang umapela sa publiko si PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma na tangkilikin ang mga PCSO games particular na ang lotto, upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.