Balik 'Pinas na si outgoing Vice President Leni Robredo nitong Sabado, Mayo 28, matapos dumalo sa graduation ng kaniyang anak na si Jillian at nagbakasyon ng dalawang linggo sa Estados Unidos. 

Umuwi si Robredo kasama ang kaniyang dalawang anak na sina Aika at Tricia sakay ng Korean Air flight KE623 at dumating sa NAIA dakong 10:30 ng gabi noong Sabado.

Matatandaan na nagtapos si Jillian ng double degree on Economics and Mathematics sa New York University sa ilalim ng full scholarship. Mananatili rin siya umano sa US para sa isang trabaho kaya hindi siya kasamang umuwi rito sa Pilipinas. 

Noong Biyernes, Mayo 27, inalala ni Robredo ang ang ika-64 kaarawan ng yumaong asawa at dating hepe ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Jesse Robredo.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/27/vp-leni-inalala-ang-ika-64-kaarawan-ni-jesse-robredo-ngayong-araw/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/27/vp-leni-inalala-ang-ika-64-kaarawan-ni-jesse-robredo-ngayong-araw/

Samantala, nakipag-usap na si Vice President-elect Sara Duterte sa Office of the Vice President (OVP) para sa initial meeting nito kay Robredo na bababa sa puwesto sa Hunyo 30.