Handa na ulit sumabak sa trabaho si outgoing Vice President Leni Robredo matapos ang dalawang linggong bakasyon sa Estados Unidos. Ito raw ang kaniyang pinakamahabang bakasyon sa loob ng 10 taon.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Robredo ang ilan sa mga larawan ng bakasyon nilang mag-iina. Humingi rin siya ng pasensya sa mga imbitasyon na pinagpasyahan nilang huwag tumuloy.
"We received a lot of invitations for meet ups and we are super sorry for deciding not to push through with any of them. We were there for less than two weeks and there was not enough time to see everyone. We were afraid to just accept some and say NO to the others," ani nitong Linggo, Mayo 29.
Ipinangako niya rin kasi sa kaniyang mga anak na ang kanilang bakasyon ay nakatuon lamang sa kanila. Wala rin umanong agenda ang kanilang bakasyon maliban na lamang sa graduation ni Jillian at sa mga meeting ni Tricia sa Boston.
"It was the first trip where we had no agenda at all, except Jillian’s grad and when we tagged along Tricia’s meetings in Boston. We just walked and walked everyday, averaging about 15,000-20,000 ++ steps everyday. At kumain lang ng kumain," aniya.
Sa kanilang paglilibot, nagbigay si Robredo ng limang bagay na nakita niya sa ibang bansa na nais niya sanang ma-achieve rin ng Pilipinas:
1. Pagiging walking city niya. Very pedestrian friendly;
2. Very convenient ang public transportation - subway, buses, etc. ;
3. May bike lanes and bike racks everywhere and bikes available for use by everyone for a small fee;
4. There are parks everywhere. Tinatawanan ako ng mga bata na gusto ko lang magpa picture sa mga puno at halaman;
5. Most old buildings are being saved and restored. It just gives so much character to the city.
"Libreng mangarap at libre din pag trabahuhan mga pangarap," ayon pa kay Robredo.