Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic Instagram post ni Miss Universe Philippines 2020-turned-Kapuso actress Rabiya Mateo nitong 12:00 ng madaling-araw ng Linggo, Mayo 29.

May caption itong "Goodnight". Mababasa sa art card na "I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn't deserve."

View this post on Instagram

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Batay sa mga bumahang komento sa comment section ng kaniyang IG post at paraan ng pagtugon ni Rabiya ay mukhang may pinagdaraanan ngayon ang beauty queen. Hindi naman niya binanggit kung patungkol ba ito sa trabaho, sa lovelife, o sa iba pang personal na bagay.

Mga kapwa beauty queens naman ang nagbigay ng comforting words kay Rabiya. Isa na riyan si Miss Universe 2020 third runner-up Adlene Casteleno mula sa bansang India.

"I love you Rabiya (heart emoji) you are the strongest I've known."

Tugon naman ni Rabiya na may crying face emojis, "Thank you my Desi sister."

Nagkomento rin dito si Miss Universe Philippines 2020 candidate Mariel Pascua.

"Love you, Ibyang!!!! Hugs and see you," saad nito.

"I need you Ma! Sobra! See you tom," sey ni Rabiya na may kalakip na crying face emoji.

Isa pang kaibigan ni Rabiya na si Krish Halili ang sumaklolo sa kaniya.

"Talk to me whenever, Ibyang," aniya.

Tugon ng beauty queen, "We need an army hahahahaha."

Bumaha rin ng comforting words sa comment section mula naman sa mga tagahanga niya.

"Sending hugs, Manang Rabby! Love you guid!"

"We love you Rabiya!"

"Keep fighting Rabiya! Cheer up!"

"Hugs, Queen!"

"Never ever let this happen again."

Kapansin-pansin namang walang komento o reaksiyon sa post na ito ang jowa ni Rabiya na si Kapuso actor Jeric Gonzales. Ngunit sa kaniyang Instagram post noong Mayo 26, ibinida ni Jeric si Rabiya sa mass contract signing ng Sparkle GMA Artist Center sa 25 artists nila, na tinawag na 'Signed for Stardom'.

Bukod sa kanilang dalawa, ang mga kasama nila rito ay sina Camille Prats, Ken Chan, Kim Domingo, Max Collins, Rabiya Mateo, Rufa Mae Quinto, Jeric Gonzales, Zonia Mejia, Radson Flores, and Lexi Gonzales.

Kasama rin dito sina Betong Sumaya, Kokoy De Santos, Nikki Co, Faith Da Silva, Luis Hontiveros, Yasser Marta, Jennie Gabriel, at Dion Ignacio.

Naroon din sina 'The Clash' alumni Mauie Francisco, Vilmark Viray, at Marianne Osabel, gayundin sina Katrina Chavez, Kirst Viray, Kazel Kinouchi, at Mariel Pamintuan.

Tanong ng mga online Marites, ano nga kaya ang pinagdaraanan ni Rabiya?