Iniimbestigahan na ng gobyerno ang insidente ng pagbagsak ng Hermes 900 unmanned aerial vehicle (UAV) ng Philippine Air Force (PAF) sa Cagayan de Oro City nitong Sabado.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano, nag-take off ang nasabing drone dakong 9:30 ng umaga upang magsagawa ng functional check flight (FCF).
"Upon take off, the UAV proceeded to 5NM (five nautical miles) east of Lumbia and ascended to 10,000 ft. After finding the FCF procedure to be satisfactory, the pilots declared the termination of test and started to descend 5000 ft 1.5 miles east of Lumbia Airport," sabi ni Mariano.
Gayunman, bigla na lamang nawalan na ng komunikasyon sa drone habang ito ay pababa na sa Lumbia Airport dakong 11:46 ng umaga.
"All emergency procedures were performed, and field service representatives were called for troubleshooting," aniya.
Natuklasan na bumagsak ang drone sa isang gulayan.
Layunin aniyang pagsisiyasat na madetermina ang sanhi ng insidente.
Sinabi pa ng PAF, ang naturang UAV ay ginagamit sa buong mundo para sa tactical mission at kayang. tumagal sa himpapawid ng hanggang 30 oras at lumipad hanggang 30,000 talampakan
Kabilang din ito sa tatlong Hermes 900 UA system na donasyon ng United States sa Pilipinas kamakailan.