Kamakailan lamang ay napabalita ang paglilinaw ng beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo na hindi nila anak ni Senator-elect Win Gatchalian ang bagets na kasama nila sa isang litrato, o anak niya sa pagkadalaga, o anak nito sa pagkabinata, ayon sa 'husga' ng isang netizen na nagkomento sa kanilang litrato.

"So very thankful, Incredibly grateful, Unbelievably blessed, Navine’s sweet 16 (smiling face emoji) Sherwin’s niece,” caption ni Bianca sa naturang post, kasama ang litrato ng pamangkin ni Sen. Win na may pangalang 'Navine'.

"May anak na pala siya," komento ng isang netizen.

Isang kapwa netizen naman ang siya nang nagtama sa naturang komento ng netizen.

Pelikula

Panawagan ni Aicelle Santos, unahin ang 'Isang Himala' sa MMFF

"Ahaha basa rin ang caption," saad nito.

Mukhang napansin naman ito ni Bianca kaya mega paliwanag siya upang malinawan kaagad ito. Aniya, wala siyang anak sa pagkadalaga, o walang anak sa pagkabinata si Sen. Win.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/bianca-nilinaw-na-wala-siyang-anak-sa-pagkadalaga-o-anak-sa-pagkabinata-si-sen-win/">https://balita.net.ph/2022/05/29/bianca-nilinaw-na-wala-siyang-anak-sa-pagkadalaga-o-anak-sa-pagkabinata-si-sen-win/

Noong proklamasyon naman ng Top 12 na nanalong senador sa halalan, kasama naman nina Sen. Win at Bianca ang isa pang pamangkin ng re-electionist na si Lexi.

Samantala, ilan sa mga netizen ang nagtanong din kung kailan naman sila magpapakasal. May ilang mga paladesisyong netizen na nagmungkahing magpakasal na sila dahil 'matanda' na raw si Sen. Win. May nagmungkahi pang si Bianca na lang ang mag-propose sa boyfriend, dahil puro trabaho raw yata ang nasa isip ng senador.

"Senator Win pakasalan mo na matanda ka na don't wait for another year."

"Kailan ang kasalan Ms. Bianca? Hehehe so excited!! Stay strong sa inyo ni Sen. Win."

"Ang haba nang pasensiya mo Bianca, ikaw na kaya mag-propose kasi puro politics ang laman ng isip niyan."

"Hope wedding bells."

"Win na, Manalo pa."

"Kasal na lang friend."

"It's time na for getting married. Tapos na election. Ang tagal naman. Excited na kami sa apo ni Mam Lehua kay Sen. Win. Win na win na kaya. Ma win mo na rin si senator please…"

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon dito ang mag-jowa.