Hindi pa rin lubos na maintindihan ng veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis ang mga naging isyu nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, dahilan para maghiwalay ang Kapuso couple.

Matatandaan na naging tampulan ng mga balita at usapan sa social media ang umano'y hiwalayan ng TomCarl noong Marso na umabot pa sa mabibigat na alegasyon kabilang ang umano'y pakikipag-one night stand ng aktor.

Basahin: Tom, nakipag-one-night stand, sey ng ama ni Carla; kasarian ng aktor, naungkat din – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Nagpakasal at ngayon after wala pa yatang 6 months gusto ng ipa annul ang kanilang kasal. Parang may mahiwagang pangyayari para maging ganito ang ending ng isang love story nila,” pagtataka ni Manay Lolit.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Binanggit din ni Manay ang noo'y sweet na relasyon ng dalawa na nauwi lang sa “parang bad dream” kasunod ng kanilang kasal.

“Nakaka curious kung ano ang naging discovery nila sa isa't isa na naging dahilan para biglang mas gusto nila maghiwalay kesa magsama. Parang bigla gusto mo malaman ang sekreto para tapusin nila ang love story nila,” ani Manay Lolit habang sinabing tiyak na malaking bagay iyon “para wakasan mo ang marriage bow” ng mag-asawa.

“Very emotional pa naman sila ng ikasal sila, kaya talagang magkakaruon ka ng curiosity sa dahilan kung bakit naging ganito ang ending ng Abellana/Rodriguez love story. So mahiwaga hah,” dagdag niya.

Mula nang pumutok ang isyu, hindi naglabas ng opisyal na anunsyo si Carla at Tom para pabulaanan o bigyang-linaw ang mga kumalat na usap-usapin ukol sa kanilang relasyon.

Basahin: Rey ‘PJ’ Abellana, nilinaw at ipinaliwanag na walang naganap na one night stand si Tom Rodriguez – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid