Sinupalpal ng Alyansa sa mga Mamumuo sa Sugbo – Kilusang Mayo Uno (AMA Subgo – KMU), isang labor group mula sa Cebu, ang P31 wage increase sa Central Visayas, na anila'y “insulto sa mga manggagawa.”

Ang pahayag ay matapos aprubahan ng Central Visayas Wage Board ang P31 na dagdag sa basic pay para sa rehiyon. Ito ay medyo mas mababa kaysa sa pagtaas ng sahod sa Western Visayas, na itinakda sa P55 at P110.

“Does our wage board mean to say that basic goods are cheaper here in Cebu than in Western Visayas? This is a huge insult to the workers who know the real prices and the expensiveness of consumer goods here in the region, so much so that the minimum wage is not enough,” said AMA Subgo – KMU sa isang pahayag noong Miyerkules, Mayo 25.

Sa ngayon, nasa P435 ang minimum wage sa Central Visayas.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Samantala, muling iginiit ng grupo na ang pagpapatupad ng P750 national minimum wage ay maaaring makatulong sa mga manggagawa na “mamuhay nang may dignidad,” lalo na sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.

“The longstanding call for the P750 national minimum wage should have been the call that the authorities listened to, and not the interests of big businesses,” dagdag nito.

Charlie Mae F. Abarca