Wala pa ring pinal na desisyon si Kiefer Ravena para sa susunod na hakbang sa kanyang basketball career matapos mag-expire kanyang kontrata sa Shiga Lakestars sa Japan B.League.

Ito ay dahil hinihintay pa rin ni Ravena ang kalalabasan ng contract status nito sa Philippine Basketball Association (PBA)

Sa naging kasunduan ni Ravena sa PBA nitong nakaraang taon, pinapayagang sihyang maglaro sa Shiga Lakestars loob lang ng isang season at pagkatapos ay babalik na sa bansa para maglaro sa NLEX Road Warriors na taglay pa rin ang karapatan sa kanya.

"It's a day to day thing for me as of the moment. [We're] waiting on things that we're trying to iron out," pahayag ni Ravena sa isang panayam sa telebisyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna nang naiulat na nag-alok ang Shiga Lakestars ng contract extension kay Ravena. Gayunman, pinaplano pa rin ng kampo nito na humirit ng panibagong kasunduan sa PBA upang makabalik ito sa kanyang koponan sa Japan.

"Sana, soon. [I'm] hoping to come back next season. Pero we'll see. There's still the offseason, I want to enjoy it as much as I can," dagdag pa ni Ravena.

Matatandaangnagingsolido ang kampanya ni Ravena sa Shiga Lakestars kung saan naging paborito ito ng mga fans. Gayunman, nalaglag sa kontensyon ang kanyang koponan bitbit ang rekordna 14-43 panalo at talo.