Umeksena ang Kapuso star na si Heart Evangelista matapos niyang rumampa habang suot ang isang fabulosang red gown sa ginanap na 75th Cannes Film Festival sa France.

Ito umano ang kauna-unahang beses niyang pagrampa sa naturang event.

"What a privilege it was to be able to grace the 75th @festivaldecannes red carpet tonight," ani Heart sa caption ng kaniyang Instagram post noong Mayo 27, 2022.

"Thank you so much @tonywardcouture for my elegant dress and to @matarastudio for finishing off tonight’s look with such captivating jewels," pasasalamat niya sa gumawa ng kaniyang dress at accessories.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Good morning everybody from Manila. I am in Cannes. It is my first time so I’m gonna make this day a great day,” aniya sa kaniyang social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/28/heart-rampadora-sa-cannes-film-festival/">https://balita.net.ph/2022/05/28/heart-rampadora-sa-cannes-film-festival/

“It’s just so much fun, so much art, so many nice stores, and the people are just alive and kicking. I am just having such an amazing time. This was indeed such an experience and there’s just so much more that’s going to be happening. So I’m glad I could take you guys with me," dagdag pa niya.

Kasama sa mga tampok sa film festival na ito ang iconic at classic movie ng direktor na si Mike De Leon---ang 'Itim' na pinagbidahan ni dating ABS-CBN President at beteranang aktres na si Charo Santos-Concio.

Sumunod naman niyang ibinida ang isa pang bonggang-bonggang gown kung saan umawra-awra siya sa isang beach at tila dedma lang sa kaniya ang mga tao.

"When they give you the wrong address of the party," sey ni Heart sa caption.

Nagkomento naman dito si ABS-CBN news anchor Karen Davila.

"Hahahahha winner!!!!! And I love it everyone around you deadma," aniya.

Ibinida rin ni Heart ang kaniyang pink dress sa isa pang Instagram post.

"It was an honor to be invited to the prestigious @amfar fundraiser gala tonight. 🙏🏻 I stand in solidarity with all AIDS advocates who hope to spread awareness about the disease. Thank you for bringing meaning to this advocacy," aniya.