Naitala ng Pilipinas ang isa pang milestone sa patuloy nitong paglaban sa Covid-19 dahil mahigit 70 milyong Pilipino na ang ganap na nabakunahan.

Batay sa national Covid-19 vaccination dashboard, kabuuang 70,790,342 indibidwal ang nakakumpleto na ng kanilang two-dose primary series vaccination noong Mayo 28.

Kasama rin ang 19.5 milyong manggagawa, 9.2 milyong mahihirap, at 21.3 milyon mula sa natitirang populasyon.

Samantala, ang mga rehiyon na may pinakamaraming bilang ng ganap na nabakunahan ay ang Metro Manila na may 9.6 milyon, Calabarzon na may 6.7 milyon, at Central Luzon na may 5.4 milyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nilalayon ng gobyerno na ganap na mabakunahan ang 77 milyong Pilipino sa pagtatapos ng Hunyo, naunang sinabi ng Department of Health (DOH).

Parehong hinimok ng DOH at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units na paigtingin pa ang kanilang pagbabakuna.

“Getting vaccinated is the best-defense and best long-term solution in this pandemic,” ani DOH.

Analou de Vera