"I have two presidents"

Mga katagang binanggit ni dating First Lady Imelda Marcos nang iabot sa kaniyani President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang resolusyon ng Kongreso na nagpoproklama sa kaniya bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ikinuwento ni President-elect Marcos Jr. na nagulat siya nang maka-akyat ang kaniyang ina sa platform sa Batasan Complex noong araw ng proklamasyon, Mayo 25.

"Nagulat ako dahil nandun ako sa taas, kausap ko si SP (Senate President Sotto), kausap ko si Speaker (Lord Allan Velasco), at nakita ko palapit siya, paglingon ko ulit, nandun na siya. Sabi ko, 'papaano nakaakyat ito?'," aniya sa kaniyang inupload na vlog nitong Sabado, Mayo 28.

"Yun pala nung tinutulungan siya, isasakay siya sa wheelchair, sabi niya, 'hindi, hindi. Kaya ko. I can do it, I can do it.'

"Nandun umakyat siya nang nakatayo, nakangiti nang malaking-malaki. Nakakatuwa naman. Siguro yung adrenalin niya nagpalakas sa kaniya," kuwento pa ni BBM.

Pagkatapos ng pangyayari iyon, makikita sa vlog ang pag-abot ng president-elect ang nasabing resolusyon sa kaniyang ina. 

"I have two presidents," saad ni Imelda habang nakaturo kaniyang pin na may larawan ng kaniyang asawa na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

"Sa inyo naman ni Daddy lahat ito eh," emosyonal na sabi ni BBM sa kaniyang ina.

Matatandaan na nanungkulan bilang pangulo ang yumaong si dating Pangulong Marcos Sr. mula noong 1965 hanggang sa mapatalsik noong 1986.

Sa huling bahagi ng kaniyang vlog, nagpasalamatsi President-elect Marcos Jr. at humihiling na isama siya sa panalangin.

"Pray for me because when the president does well, the country does well and I want to do well for this country," saad niya.

Nakatakdang umupo sina President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte sa Hunyo 30, 2022.