Bibigyan ng cash incentives ang mga Pinoy na nanalo ng medalya sa nakaraang 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.

Ito ang tiniyak ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino nitong Linggo at sinabing bahagi lamang ito ng pagpaparangal dahil sa ibinigay na karangalan sa bansa.

Aniya, itataon ito sa gaganapin nilang General Assembly sa knights Templar Hotel sa Tagaytay City sa Lunes, Mayo 30 kung saan tatanggapin din ng POC ang Samahang Kickboxing ng Pilipinas at Philippine Esports Organization bilang mga miyembro.

“Tops on the agenda is honoring our Filipino athletes who competed strongly in the Vietnam SEA Games. Tolentino. The country may have relinquished the overall championship, but our athletes were a ‘fighting team’ in Vietnam,” sabi pa ni Tolentino.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa ikaapat na puwesto ang Pilipinas sa nasabing biennial multi-sportevent matapos humakot ng 52 gintong medalya, 70 pilak at 105 tanso. Namuno sa kumpetisyon ang Vietnam sa naipong 205 na gold medals, 125 na silver at 116 na bronze.

PNA