Tutol ang Caritas Philippines, na siyang social action arm ng Simbahang Katolika, sa panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakdang idaos sa bansa sa Disyembre 2022.

Ayon kay Caritas Philippines head at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pagsuspinde sa naturang halalan ay sumasalamin kung paano minamaliit ng mga national political leaders ang kahalagahan ng barangay level politics.

“It is not right for the government to suppress electoral processes, especially that the barangay and SK elections are seen as the most accessible and organic form of citizen’s engagement in public service and governance,” paliwanag ni Bagaforo, sa isang pahayag nitong Sabado, na naipaskil lamang sa CBCP website nitong Linggo, Mayo 29.

Ang pahayag ay ginawa ng obispo kasunod ng mga panukalang ipagpaliban muli ang naturang eleksyon.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Una nang sinabi ni Presumptive House Speaker Martin Romualdez na makakatipid ang pamahalaan ng P8 bilyong pondo kung ipu-postpone ang halalan.

Aniya, ang naturang pondo ay maaaring magamit sa ongoing na pandemic response ng bansa.