Nilinaw ng beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo na hindi nila anak ni Senator-elect Win Gatchalian ang bagets na kasama nila sa isang litrato, o anak niya sa pagkadalaga, o anak sa pagkabinata, ayon sa 'husga' ng isang netizen na nagkomento sa kanilang litrato.

"So very thankful, Incredibly grateful, Unbelievably blessed, Navine’s sweet 16 (smiling face emoji) Sherwin’s niece,” caption ni Bianca sa naturang post, kasama ang litrato ng pamangkin ni Sen. Win na may pangalang 'Navine'.

"May anak na pala siya," komento ng isang netizen.

Isang kapwa netizen naman ang siya nang nagtama sa naturang komento ng netizen.

'Crossover ng BQ at PS?' Piolo, Coco magsasama sa isang proyekto

"Ahaha basa rin ang caption," saad nito.

Mukhang napansin naman ito ni Bianca kaya mega paliwanag siya upang malinawan kaagad ito. Aniya, wala siyang anak sa pagkadalaga, o walang anak sa pagkabinata si Sen. Win.

Samantala, ilan sa mga netizen ang nagtanong din kung kailan naman sila magpapakasal.