Ibinahagi ng TV host-vlogger na si Toni Gonzaga ang litrato nila ni Maestro Pinoy rapper Andrew E sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 26, 2022.
Sina Toni G at Andrew E ay dalawa sa mga celebrity na nagpakita ng pagsuporta sa UniTeam nina President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte, sa pamamagitan ng pagtatanghal at hayagang pag-endorso sa kanila.
"Sabay-Sabay! Bagong Pilipinas!" caption ni Toni sa IG post.
Matatandaang naging trending ang 'Sabay-Sabay' dahil sa isang performance ni Toni sa campaign sortie, kung saan tila hindi raw niya naabot ang mataas na tono sa awiting 'Titanium'.
Samantala, marami naman sa mga netizen ang humiling na sana raw ay magkaroon ng collaboration sina Toni G at Andrew E, lalo na kapag nagkaroon ng thanksgiving party ang UniTeam dahil sa landslide victory ng partido.
Sa isa pang Instagram post, nagpaabot ng pagbati si Toni kina BBM-Sara matapos ang kanilang proklamasyon noong Miyerkules, Mayo 25.
"Congratulations PBBM and VP INDAY SARA! Mabuhay ang Pilipinas!" ayon sa caption ng IG post ni Toni, kasama ang litrato nilang apat nina BBM, Inday Sara, at mister na si Direk Paul Soriano nang mag-courtesy call sila rito at maimbitahan sa proklamasyon.
Matatandaang ibinida at ipinakilala ni PBBM ang mag-asawa sa kaniyang ina at dating First Lady na si Imelda Marcos.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/26/toni-gonzaga-kinawawa-binugbog-sarado-sa-social-media-sey-ni-pbbm/">https://balita.net.ph/2022/05/26/toni-gonzaga-kinawawa-binugbog-sarado-sa-social-media-sey-ni-pbbm/
Sa mismong araw ng proklamasyon ay lumabas naman ang cover song ng kaniyang 'Roar' na naging signature song ng UniTeam na madalas niyang kantahin sa mga campaign rally.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/27/netizens-pinuri-ang-roar-ni-toni-gonzaga/">https://balita.net.ph/2022/05/27/netizens-pinuri-ang-roar-ni-toni-gonzaga/