Umakyat na sa mahigit 3,400 ang bilang ng mga nakatanggap ng pangalawang booster shot sa Muntinlupa City.

Ayon sa datos ng City Health Office (CHO), noong Mayo 21, may kabuuang 3,425 na indibidwal ang nakakuha ng kanilang pangalawang booster shot o pang-apat na dosis ng bakuna laban sa Covid-19.

Ito ay isang pagtaas ng 2,002 indibidwal o 140.6 porsyento mula sa 1,423 na nabigyan ng ikaapat na dosis noong Mayo 21.

Sa 3,425, ang Barangay Putatan ang nag-post ng pinakamataas na bilang ng mga tumanggap na may 688 na sinundan ng Ayala Alabang na may 606; Alabang, 377; Cupang, 348; Tunasan, 315; Poblacion, 216; Sucat, 177; Bayanan, 121; Buli, 25; at 552 na hindi nakumpirma.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ngayon, 498,153 indibidwal sa Muntinlupa ang ganap na nabakunahan, o 112.57 porsyento ng target na populasyon na 442,517. Ang target na populasyon ay 80 porsiyento ng kabuuang populasyon na 553,146.

Nauna nang pinayagan ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng pangalawang booster shot gamit ang Pfizer-BioNTech at Moderna vaccines apat na buwan pagkatapos ng unang booster shot sa mga immunocompromised na indibidwal, frontline health worker (A1) na may edad 18 pataas, at senior citizens ( A2) may edad 60 pataas.

Sa 12-to-17-year-old population sa Muntinlupa, 40,157 na ang ganap na nabakunahan o 71.08 percent ng kabuuang populasyon na 56,499.

Iniulat din ng CHO na 15,085 menor de edad na may edad lima hanggang 11 ang ganap na ngayong nabakunahan o 22.12 porsiyento ng kabuuang populasyon na 68,198.

Ngayong buwan, kinumpirma ng DOH ang local transmission ng mas nakakahawa na Omicron BA.2.12.1 subvariant.

Noong Mayo 21, inihayag ng DOH ang pagkatuklas ng subvariant ng Omicron BA.4 sa bansa sa pamamagitan ng isang Pilipinong bumalik mula sa Middle East noong Mayo 4.

Jonathan Hicap