Magtagal pa ng isang season sa Japan B.League ang plano ni Fil-Am player Ray Parks, Jr.

"I'll beback 2ndyear," pahayag ni Parks sa post nito sa social media.

Naging solido ang performance ni Parks sa Nagoya Diamond Dolphins, taglay ang 34-14 record.

Gayunman, napaaga ang bakasyon ng kanyang koponan matapos ma-sweep ng Kawasaki Brave Thunders ang kanilang quarterfinals series.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"Year one of this new chapter in my career and I am truly grateful for the opportunity to represent this great organization, the city of Nagoya, and most definitely my country🇵🇭. Thank you for the unconditional love and support this 2021-22 season," pahabol pa nito sa kanyang Instagram post.

Bukod kay Parks, kabilang din sa mga Pinoy na manlalaro sa nasabing liga sinaKiefer Ravena (Shiga), Thirdy Ravena (San-en), Dwight Ramos (Toyama), Kobe Paras (Niigata), Javi Gomez de Liaño (Ibaraki) at Matthew Aquino (Shinshu).