Tinatayang aabot sa₱4.93 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang naharang ng mga awtoridad at ikinaaresto ngpitong kataosa magkahiwalay na anti-smuggling drive sa Zamboanga Peninsula kamakailan.
Paliwanag ni Police Regional Office 9 (Zamboanga Peninsula) director, Brig. Gen. Franco Simborio, nasamsam ng pulisya angpuslit na sigarilyo sa Barangay Cabatangan at sa karagatang sakop ng Brgy. Lamao, Liloy, Zamboanga del Norte.
Ang operasyon aniya ay isinagawa ng pulisya, militar at Bureau of Customs (BOC).
Sa unang operasyon, hinarang ng mga ito ang isang closed van at nabisto ang kahun-kahong puslit na sigarilyo.
Sa ikalawang anti-smuggling operation, nakumpiska ng mga awtoridad ang ilang styrofoam coolers na naglalaman din ng mga puslitna sigarilyo.
Arestado naman sa operasyon sinaKhan Jawari Adin, 24, Aldin Sabtal, 30, Bensharif Bari, 32,Warad John Uddin, 36; Ullia Talisan, 40; Mobi Ahajan, 50; at Rohit Ernie, 25.
Inihahanda na ang kaso laban sa pitong naaresto.
PNA