Ginulat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residente ng Digos City, Davao del Sur nang mamasyal sa lugar, gamit ang kakaibang motorsiklo nitong Sabado ng hapon.
Sa pahayag ni Senator Christopher "Bong" Go, dakong 3:15 ng hapon nang simulan ng Pangulo na gumala sa siyudad.
Ayon sa mga residente, nakita rin nilang kasama ng Pangulo ang ilang rider, gayunman, mahigpit pa rin ang ipinairal na seguridad.
Nakaabang naman sa gilid ng kalsada ang mga tagasuporta ni Duterte habang hinihintay ang pagdaan ng grupo nito sa Barangay Inawayan, Sta. Cruz.
Paliwanag naman ni Go, sinabihan na siya ni Duterte na dalasan ang pagbiyahe gamit ang motorsiklo dahil malulungkot na ito habang papalit ang pag-alis nito sa puwesto bilang Pangulo.
Matatapos ang termino ng Pangulo sa Hunyo 30.
Matatandaang nadisgrasya na si Duterte nang gamitin nito ang kanyang big bike sa Malacañang compound noong Oktubre 2019.