Isa na namang big-time drug pusher ang naaresto ng pulisya matapos makumpiskahan ng halos ₱400 sa buy-bust operation sa Bacolod City kamakailan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Officer-in Charge, Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., ang nadakip ay nakilalang si Jesus Puertas Cordova, alyas “Inday," 26. 

Sa police report, nadakip si Cordova ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Bacolod City Police sa Purok Bayanihan 1, Brgy. Punta Taytay, nitong Huwebes ng madaling araw.

Nakumpiska sa suspek ang 17 na pakete ng umano'y shabu at marked money. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“I commend our PRO6 personnel under the leadership of their Regional Director, PBGen. Flynn Dongbo for continuously intensifying our campaign against illegal drugs in coordination with other agencies and active support of the public,” sabi ni Danao.

Nahaharap si Cordova sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.