Maayos na ang internet ng TV host at actress na si Alex Gonzaga kaya naman dinelete na niya ang kaniyang reklamo sa isang internet service provider sa Twitter. Gayunman, binanatan ulit siya ng mga netizens.

Matatandaan na kinalampag ng aktres ang isang internet service provider dahil apat na buwan na silang walang wifi sa tinutuluyang condo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/26/matapos-ni-pokwang-alex-gonzaga-kinalampag-din-ang-isp-mga-netizen-napa-react/

"Hahaha! Nakakatawa at tuwa naman nagviral pala yung tweet ko dahil may “unity” na replies. Thank you siguro kaya lalo napabilis pag-ayos ng internet namin. But tama let’s end negativity and be united as a nation," tweet ni Alex nitong Biyernes, Mayo 27.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1530069372122763264

Sa isang deleted tweet, tinanong siya ng isang netizens kung bakit niya dinelete 'yung tweet niya na nagrereklamo sa ISP.

Sagot ni Alex, "Kasi ayos na."

Nireplayan ito ng isang netizen, "Kahit ayos na, 'di dapat delete... kasi, parang yung history lang yan na pilit ni re-rewrite dahil lang mukhang ayos na... binubura ang history at pinapalitan ng something na mukhang maayos."

"Eto piso hanap ka kausap mo," pagbibiro umano ng aktres.

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1530081085480087554

Gayunman, hindi umano nagustuhan ng mga netizens ang sagot niya. Sey nila:

"Feeling mo talaga funny ka ‘no. Hahaha. May araw rin kayo ng kapatid mo at lahat kayong mga enabler ng kasinungalingan at nagbubura ng kasaysayan."

"Parang ambabaw naman. Pag di masagot, babayaran na lang? Di lahat ng tao bayaran tulad ng mga nagbebenta ng boto o prinsipyo. Valid question requires valid answer."

"akala mo nakakatawa ka sa paganyan ganyan mo? tinetake mo lightly ang history, ang gobyerno? pero paiyak ka na agad sa pagkawala ng internet? ngayon, ilagay mo ang sarili mo sa posisyon ng mga taong pilit nagrereklamo sa balikong sistema pero walang nakakamit na solusyon."

"Huy. Baka nakakalimutan mo taumbayan din nagpapasweldo sa asawa mo?"

"ganyan na ganyan reply nila kapag tinanong sila ng WHY BBM?"

"Hahaha. This is the reply youll get if you cant think of an intelligent answer from an awesome argument. Jusko, Pilipinas. Kawawa ka na dahil sa mga tanga."

"Bigyan ko na din maraming piso ate Cath para marami ng kausap yang papansin"

"Bantot ng reply mo savage kana nyan pweee.. lumelevel kana sa mga kapwa mo apologist sa bagay ka level mo din naman sila ng utak pag dating sa politics."

"Bayad piso para maghanap ng kausap pero nag rant sa twitter? Tapos maiinis pag may reply? Ano na nga ba tawag dun?"

"Bat piso lang mhie 203B din + tallano gold thankzz"

"Pag walang sustansya argumento, ganyan na lang ang sagot. Sayang pinag aralan mo."

"Ang low na ng expectations ko sayo.. but wtf?ok din ang sagutan mo no alang ka substance substance"

"Salitang kalye huwag hanoon. Kapag matino ang tanong sagutin mo ng matino."

"Hi Alex na discuss naman siguro sa inyo sa history subject what happened during Martial Law? Pwde ma share ano yung natutunan niyo po?"

"Ohhh, saan na ang bible verse mo?"

"Why give piso, if tone-tonelada ang gold ng ninong ng ate mo?"

"Piso lang? Dagdagan mo naman. Balato sa kinita ng The ExorSis."

"Ganyan lg yan magtweet c Alex Gonzaga pero napipikon na yan. Sinusubukan nyang magresbak kaso sablay pa rin. Kaya pa Teh @Mscathygonzaga ? Ano, unity pa rin ba? Good luck sa yo."

"Pass sa piso. Gusto namin Tallano gold"

"Eto pala yung well mannered is better than educated. lols ang saya mo catherine no?"

"Ang squammy ng reply mo hahaha. Masakit ba sampalin ng katotohanan?"

"Suggestion for your next vlog content: How to beat my dumbness Challenge"

"So ano nga beh alam kong tapos na eleksyon isang lapag naman diyan na hindi baduy at hindi pangbobo na sagot, WHY BBM?"

"Gurl? Mahiya ka naman 2022 na ang baduy baduy pa din ng mga jokes/reply mo pati sa tv ang baduy mo."

Nauna na rin siyang binanatan ng mga netizen noong nagreklamo siya. Nireplyan nila ang tweet ng aktres gamit ang mga umano’y script ng mga supporters ni President-elect Bongbong Marcos noong panahon ng kampanya tungkol sa “unity and respect.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/27/netizens-may-sagot-kay-alex-gonzaga-pagkatapos-magreklamo-tungkol-sa-internet/