ISABELA - Naaresto na ng mga awtoridad ang dalawang umano'y pumaslang sa asawa ng isang hukom sa Ilagan City kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP)-Ilagan information officer, Lt. Rowena Ramos. Gayunman, hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng dalawa hangga't hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa kaso.

Sinabi ni Ramos, ang dalawa ay inaresto sa lungsod nitong Mayo 26.

Itinuturo ang dalawa natumambangat pumatay kay Agnes Cabauatan-Palce, 58, asawa ni Ilagan City Regional Trial Court Branch 40 Judge ArielPalce, sa Barangay San Felipe nitong Mayo 25.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pauwi na sana ang biktima sa Tumauini, sakay ng kanyang kotse nang maganap ang krimen.

Ipinaliwanag ng opisyal na malaki ang naging tulong ng closed-circuit television (CCTV) camera sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

“Sa tulong ng CCTV ng mga residente, natunton ang perpetrators, dalawa ang nahuli, ang driver at gunman, nakuha na rin ang motorsiklo at ngayon ay nasa custodial facility ng City of Ilagan” pahayag pa nito.

Nahaharap sa kasong murder ang dalawang suspek.