Inalala ni Vice President Leni Robredo ngayong Biyernes, Mayo 27, ang ika-64 kaarawan ng yumaong asawa at dating hepe ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Jesse Robredo.

“Remembering one great husband and father, whose extraordinariness was in his ordinariness,” mababasa sa Facebook post ni Robredo, Sabado.

“His life, though short, was purposeful. It’s the kind of life we strive to live, every single day,” dagdag ng Pangalawang Pangulo.

Isang virtual mass ang kasalukuyang idinadaos sa pag-uulat. Mapapanuod ito via Facebook live ng Jesse M. Robredo Foundation Facebook page.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Taong 2012 nang pumanaw sa isang trahedya si Jesse, sa edad na 54. Lulan ng Piper PA-34 Seneca light aircraft, bumagsak sa baybayin ng Masbate Island ang sinasakyang aircraft ng noo'y hepe ng DILG dahil sa engine failure.

Ang orihinal na lingkod-bayan sa pamilya ay matagal na nanilbihan bilang alkalde ng Naga sa Camarines Sur.

Taong 2001 nang maging recipient ng Ramon Magsaysay Award for Government Service ang amang si Robredo dahil sa husay ng liderato nito.