Dahil na rin sa kakulangan ng suplay, nagtaas na ang presyo ng asukal sa bansa, ayon sa pahayag ng Sugar Regulatory Administration (SRA) nitong Biyernes.

Paglilinaw ng SRA, ang dating₱1,700 kada sako ng puting asukal ay umakyat na sa mahigit sa₱3,000.

Ang dating presyo ng isang sako ng pulang asukal na₱2,000 ay umakyat na sa₱2,700.

Ikinatwiran ng ahensya, kapos ang supply nito nang mapinsala ng bagyong Odette ang malalaking sugar refinery sa Negros.

Kaagad namang tiniyak ng SRA na tatlong buwan pa ang itatagal ng stock ng raw sugar sa bansa at halos dalawang buwan naman sa refined sugar.

Inaasahan naman ang pagdating sa bansa ng 200 metriko tonelada o apat na milyong sakong asukal mula sa China at Vietnam sa Hunyo kung saan mararamdaman na ang pagbaba ng presyo nito.