Handang tanggapin ni retired UP Professor Clarita Carlos ang posisyon na ibibigay sa kaniya ni President-elect Bongbong Marcos basta't saklaw ng kaniyang kaalaman.
Usap-usapan nitong linggo na bibigyan ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng posisyon sa gobyerno si Prof. Carlos.
Sa Facebook post ni Prof. Carlos, ikinuwento niya ang pag-uusap nila ng kaniyang kaibigan. Tinanong siya nito kung tatanggapin niya ang ibibigay na posisyon.
"Siempre tatanggapin ko kung saklaw ng aking alam," anang propesora nitong Huwebes, Mayo 26.
Naging matunog din ang pangalan ni Prof. Carlos kamakailan nang makaranas umano siya ng 'cancel culture' mula sa ka-department niya.
Ayon kay Prof. Carlos, sa halos 56 taong pagtuturo niya, ngayon lamang siya nakaranas na ma-cancel. Mukhang hindi naman nababahala ang propesora dito.
“After 56 years as pol sci professor, some cretins in my department now want to ‘cancel’ me… really? Bring it on!” saad niya.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/19/prof-clarita-carlos-kina-cancel-ng-mismong-mga-katrabaho-bring-it-on/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/19/prof-clarita-carlos-kina-cancel-ng-mismong-mga-katrabaho-bring-it-on/
Matatandaan na si Prof. Clarita Carlos ay isa sa mga panelist noong presidential debate na pinangunahan ng SMNI.