Itinalaga ni President-elect Bongbong Marcos Jr. bilang hepe ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang abogada at political blogger na si Trixie Angeles.

Basahin: Abogadong si Trixie Angeles, itatalaga bilang PCOO chief – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang viral tweet gabi ng Huwebes, ibinahagi ni labor lawyer Luke Espiritu ang isang larawan na kinunan mismo ni Trixie noong 2009.

“We were once allies in the Anti-Arroyo struggle. Now we are worlds apart belonging to opposing camps. Ahhh... lawyers,” tila dismayadong pahayag ni Luke.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

https://twitter.com/LukeEspirituPH/status/1529797682222354432

Kamakailan, ilang lumang pahayag ni Angeles laban sa pamilya Marcos ang lumutang, bagay na aniya’y nabago na sa kanyang pananaw.

Samantala, kabilang sa magiging tungkulin ni Angeles ang pagtutok sa operasyon ng PCOO at pagsasagawa ng regular na press briefing sa mga mamamahayag na nakatalaga sa Malacañang.

“I am grateful for the opportunity I am given to take part in the administration of President Bongbong Marcos as his Press Secretary. It is with humility that I accept the nomination and assume the responsibility of running the affairs of the PCOO,” pahayag pa ni Angeles.