Hindi pinalampas ng mga netizens ang pagkalampag ng TV Host at actress na si Alex Gonzaga sa isang internet service provider.
Nireplyan nila ang tweet ng aktres gamit ang mga umano'y script ng mga supporters ni President-elect Bongbong Marcos noong panahon ng kampanya tungkol sa "unity and respect."
Nitong Huwebes, Mayo 26, kinalampag ni Alex ang isang internet service provider dahil halos apat na buwan daw silang walang internet sa tinutuluyang condo.“PLDT please fix my internet sa condo. I've been paying for 4 months na wala ako internet. Grabe kayo mag-remind to pay monthly pero lagi padelay kayo para ayusin. Pls pls fix kasi ayaw n’yo kami pansinin privately. @PLDT_Cares.”
Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/26/matapos-ni-pokwang-alex-gonzaga-kinalampag-din-ang-isp-mga-netizen-napa-react/
Gayunman, nireplyan ng mga netizens ang naturang tweet ng aktres gamit ang mga umano'y script ng mga supporters ni BBM tungkol sa"unity and respect."
"Grabe ka naman manira sa @PLDT_Cares, 4 months lang naman walang serbisyo. Pano yung mga buwan na meron ang interne service ninyo? Diba may nagawa naman sila? Respect na lang."
"Wag sana puro paninira, mabilis naman PLDT sa amin. Unity nalang, maayos din yan at prayers."
"Move on na po. Four months na pala itong issue na ito. Hindi makakatulong sa bansa ang sobrang batikos. Dapat unity palagi."
"Kailangan ba lahat i-asa sa PLDT? Nasa sayo yan. Mag-sipag ka. Also, Maayos service ng pldt samin. And PLDT Cares replies to my tweets promptly. Baka deserve mo yang bad service mo"
"bakit di mo kasuhan kung totoong wala kayong internet??? Puro kayo bintang ng bintang, eh okay naman sa amin. Kahit anong ISP pa yan, kung puro kayo reklamo at di kayo kumikilos, di kayo uunlad."
"Wag na po kayo mag reklamo kay Pldt. Pagod na po sila. Supportahan na lang po natin sila."
"Sabi ng lolo at lol ko, mabilis naman daw yung pldt at golden connection sila. So baka makukulit lang kayo at di nakikinig. matuto kasi kayo sumunod h'wag puro reklamo,edi sana kayo nalang naging internet connection respect nlang maam catheryn wag puro paninira"
"Reklamo ka ng reklamo. NPA ka po siguro? Sunod na lang po tayo. UNITY AND RESPECT. No to negativity po"
"Ang sagot po sa internet issue niyo ay unity."
"Sabi po sa bible “Do all thingswithoutcomplaining anddisputing" - Philippians 2:14 "Do not complain, brethren, against one another, so that you yourselves may not be judged; behold, the Judge is standing right at the door." - James 5:9 Respect and prayers na lang po mam"
"Hintayin lang po natin si sir bbm diba plataporma niya pabilisin ang internet"
"Di totoo yan, sabi ng lolo at lola ko, mabilis internet sa kanila doon, golden age ng internet pa nga eh Yung mga nagrereklamo cguro kasapi ng NPA. unity kase dapat!"
"baket PLDT ka? Pinklawan ka ba? Oligarchs yang mga yan. Ang real BBM supporters po ay naka DITO!!! Salamat Tatay Digong!"
"mga artistang to..... puro paninira at reklamo. Wala nang naniniwala sa inyo! Wala na kayong p0wer sa taumbayan! Matalino at gising na mga ta0 ngaun,,,,, Di na bulag at di na kami mauuto ng mga artista!"
"sabi nung kakilala ko, mas marameng nagawang maayos ang PLDT. golden age nga raw kase maayos yung PLDT sakanila. Buhay ka na ba nung unang ginawa ang PLDT? Hinde. Kame ang nabubuhay noon. Sobrang maayos ang service nila. Kaya pls tama na ang paninira. Respect nalang po."
"Huwag na po tayong makisawsaw pa sa issue. Matagal naman na ’yan, kalimutan na natin. Suportahan na lang at bigyan ng chance na baguhin. Walang magagawa ang negative rito, paninira ang ginagawa mo. #RespectmyOnion"
"Wag po tayong manira publicly. Unity po dapat. Madami naman po silang nagawang maganda."
"NPA siguro to. Respect our opinion po, please. PLDT is the best! #Unity"
Samantala, maayos na raw ang internet ni Alex Gonzaga, base sa kaniyang bagong tweet nitong Biyernes, Mayo 27.
"Thank you ayos na internet namin. Thank you PLDT!"